God’s Yoke is Easy

Posted in Uncategorized on Setyembre 8, 2010 by etchosera

Word For Thought

 Matthew 11:30 “For my yoke is easy to bear, and the burden I give you is light”

We all go through seasons that are more difficult than others; seasons where we’re working hard but not making much progress, you’re doing your best, but it still seems stagnate. There are seasons in our finances where it’s one struggle after another. If we’re not careful, we’ll lose our enthusiasm and think, “This is just the way life is. Life is just hard.” Yes, there are seasons when we have to stand strong and do the right thing even though it’s difficult; but don’t make the mistake of settling there thinking that’s the way it’s always going to be. God said,“My yoke is easy and my burden is light.” There is something called the anointing of ease that can change everything! When you step into this anointing, the things that used to be difficult will suddenly become easy. Things you used to struggle with won’t be a struggle anymore.

God gives you a supernatural grace-a favor-that lightens the load and takes the pressure off. Your part is to stay in faith, keep believing, and keep hoping. No matter how difficult things may seem, stand strong because His anointing of ease will carry you through.

God bless you !

Dahil sa iyo aking pag-ibig.

Posted in Uncategorized on Agosto 5, 2010 by etchosera

Pag-ibig…isang kataga na kayhirap maunawaan ng bawat nilalang. Isang espesyal na nararamdaman at umuusbong sa bawat sangkatauhan. Minsan ito ang nakakapag bigay sa atin ng kalakasan na harapin ang bawat hamon ng buhay. Ito rin ang nakakapag pahina sa mga sawi. Anong hiwaga at kapangyahiran meron ka pag-ibig? Isa kang instrumento na nakakapag buklod ng sanlipunan ngunit isa ka rin sa nag wawasak sa mga samahan. Para sa karamihan ang pag-ibig ay isang nobela. Isang mahabang proseso para mahagilap ang tunay na kahulugan nito. Nababago mo pag-ibig ang pananaw ng mga tao.

At isa ako sa nabago mo. Sinabi ko na ayoko na. Takot na ako. Pero sabi nga di mo kayang pigilan pag dumating na siya. Hindi mo na kailangang hanapin dahil kusang dumarating. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nandun na uli sa sitwasyon na kinakatakutan ko. Ang muling umibig. Oo, tama kayo takot akong umibig muli dahil na rin sa aking nakaraang relasyon. Pero hindi ako ang klase ng tao na takot pero hindi marunong lumaban sa mga pagsubok. Kaya heto ako ngayon muling lumalaban. Muling nagpapakatatag. Muling ninais na maranasan ang hiwaga ng pag-ibig.

Hiwaga na inaakala ng iba na ako’y isang baliw. Dahil walang oras na di mo ako napapangiti. Sa mga simpleng bagay na ginagawa mo kahit na sobrang layo natin sa isa’t isa. Kahit na hindi pa tayo magkakilala ng personal. Nangingiti ako kahit wala akong kausap o binabasa na nakakatawa. Natutulala ako kahit hindi naman kita kaharap paano na kaya kung nandito ka na sa tabi ko? Manginginig ba tuhod ko at mauutal kapag magkasama na tayo? Parang palaging may bumubulong sa gilid ng tenga ko na nag lalabas ng mahinang hangin na nakaka pag bigay ng kiliti sa aking katawan. Ganyan ang epekto mo sa aking sistema.

Sistema na pag nakasanayan mo na ay hahanap hanapin. Nakasanayan na natin ang palagiang magkapalitan ng mensahe gamit ang telepono at tawagan kahit pa sabihing mag kaiba tayo ng bansang kinaroroonan. Pag dating ng umaga gigisingin kita o gigisingin mo ako. Pagkatapos maligo naka tutok na sa instrumentong makabago kung saan tayo ay nag uusap gamit ang mga kamay na dinidiktahan ng puso. Nag kukulitan, kwentuhan at bolahan bago pumasok sa trabaho.  Sabay tayong umaalis ng bahay na para bang kasama talaga kita dito. Pagkauwi sa bahay mas inuuna pang buksan ang kumputer bago tingnan kung may pagkain na ba para sa tiyan kong laging gutom.

Gutom na nakakalimutan basta makausap ka lang ng matagalan. Oo, masaya ako sa relasyon natin na kahit na dumating ung bagyo na inaasahan ko man pero di ko napag handaan ay sinalubong ko pa rin ng may ngiti. Ngiti na may kasamang luha dahil alam ko na di sa lahat ng pag kakataon ay nakakulong ako sa bagyo at unos sa larangan ng pag-ibig.

Natapos na ang bagyo sa ating relasyon. Ano ang meron ngayon? Isang walang humpay na kasiyahan lalo na at lagi mong ipinararamdam sa akin kung gaano ako kahalaga sa’yo. Sa’yo na inakala ng iba na sobrang di seryoso. Sinusuportahan mo ako sa aking mga desisyon. Sa aking mga gustong gawin katulad na lang nitong paligsahan ni kuya. Sabi mo pa pumikit lang ako at isipin ka at hayaan kong puso ko ang mangusap. Puso ko ang mag sabi kung ano nga ba meron ka Pag-ibig.

Pag-ibig ko, gusto lang humingi ng paumanhin kung hindi kita masamahan sa bawat araw ng ating buhay. Alam ko ang kagustuhan mo na makasama ako dahil sa araw-araw nating pag-uusap hindi pwedeng mawala ung kahilingan na un. Pero sabi nga ang lahat ay may tamang panahon. Gusto kitang maasikaso at mapag silbihan pero alam kong darating din ang panahon na tayo’y mag kakasama at sana sa panahon na iyon tayo ay mas matatag na.

Matatag na ako at sana mas tumatag pa sa bawat minuto ng aking buhay. Buhay na ibinigay ng ating Diyos Ama na siyang ating tagapag ligtas. Ikaw aking mahal ay pangalawa lang sa aking buhay ngunit huwag kang mag selos dyan dahil ang una sa aking buhay ay si Hesus na siyang tunay na pag-ibig. Dahil si Hesus ay Pag-ibig.

Nag mamahal ako na hindi nag hihintay ng sukli. Nag mamahal at lumalaban para sa ating pag mamahalan. Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang pag-ibig ko.

Takot akong umibig ngunit dahil sa iyo ito’y aking sinubukang muli. Dahil ikaw ang aking pag-ibig.

………….

Kuya Jkul iniibig yan na po ang iyong kahilingan. Kahilingan na di ko kagad napag bigyan. Dahil sa ako’y naguguluhan at dahil na rin sa aking paniniwala na ako’y walang kakayahan. Kakayahan na sinubukan para sa iyo aking kuya.


MusicPlaylist
Music Playlist at MixPod.com

Pangarap na lang ba?

Posted in Uncategorized on Hulyo 26, 2010 by etchosera

May isang ordinaryong babae na mahilig kumanta. Isa sa mga pangarap niya ang makapag perform sa harap ng maraming tao. Pero likas siyang mahiyain. Nang hiskul siya pag gusto niya kumanta tatawagan niya ang bestfriend niya (gagamit pa ng telepono kahit kapitbahay lang naman hahaha). Pag dating ni bestfriend ang dating malakas na tugtog sa component ay mawawala. Alam niyo kung bakit? Dahil nag salang sila sa vcd player ng pang videoke. Isasara lahat ng bintana at pinto. Hahawakan ang mic na may volume na parang d rin naka mic. Ganun siya.

Sa paglipas ng panahon nakarating siya sa ibang bansa kung saan napakaraming indiano kesa mga local. Sa pananatili nya dito nakatagpo siya ng mga katulad niya sa pananampalataya. Dito rin niya naranasan na sumali sa Music team kung saan sila ang kumakanta ka da may mga gawain. Na hindi niya nagawa ng nasa Pinas sya. Isa-isang dumating ang mga opportunities sa kanya. Nagkaroon siya ng posisyon sa ministry na sinalihan niya. Kasama siya sa mga kumakanta na siyang hilig niya. mahilig din siya sumayaw pero nahihiya pa rin siya dahil sa siya ang pinaka mataas sa mga sumasayaw. Mas pinili nya na andun sa mga kumakanta.

Naiisip pa rin niya minsan na sana mag lead sa oras ng pag pupuri sa ating AMA. Hanggang sa dumating ung time na binigyan na siya ng pagkakataon na makasali sa bagong itrain dito. Andun ung takot sa panibagong task na dumating. Naisip kagad niya ung mga pwedeng sabihin ng mga tao once na siya na ung tumayo sa gitna at kumanta. Madaming mga negative vibes pero andun din naman ung excitement. Hanggang sa dumating ang mensahe sa kanya na ANG MGA OPPORTUNITIES BINIBIGAY NI GOD. Di ba sabi nga ung desire ng heart natin binibigay nia in HIS PERFECT TIME.

Ganyan tayo di ba un bang may mga gusto tayo na mangyari na pag anjan na eh di natin alam kung paano tatanggapin. Dapat palagi tayong maging handa. Baka dumating ang oras na kunin na NIYA uli ito dahil wala kang ginawa sa regalo NIYA sau.

Sa ngayon kahit andun ung takot sa puso niya ay susundin niya at gagawin ang opportunity na ibinigay sa kanya. Dahil alam niya na tinitingnan ng ating AMA  kung anong ginagawa sa mga opportunities na binibigay NIYA.

LET YOUR WILL BE DONE, LORD…

Bakit?

Posted in Uncategorized on Hulyo 14, 2010 by etchosera

Bakit kailangang lagyan ng asin ang pagkain?

Bakit laging may formula sa excel?

Bakit kailangang mag palit ng passport kung pwede pa naman ung dati?

Bakit binawasan ang bus papunta sa trabaho ko alam naman nila na ang daming pasahero?

Bakit kailangang mag update sa blog kung pwede namang hindi?

Bakit na miss ko magsulat kahit di ako marunong nito?

Bakit may mga sitwasyon na iniisip mo na kagad na di mo kakayanin?

Bakit ang dali na magbigay ng payo sa isang tao na kailangan ng opinyon mo pero pag sa’yo na nangyari ay di mo magawa ung mga sinabi mo?

Bakit ang daling sabihin na ok lang ako kahit ang totoo ay hindi?

Bakit kailangang lumayo kung pwede namang mag stay?

Bakit kailangang mag gudbye kung pwede naman ang be right back?

Bakit sinasabi mo na dito lang  ako pero ang totoo wala ka naman sa tabi ko?

Bakit pag malungkot ka wala ka sa mood?

Bakit ako nasasaktan kahit di naman dapat?

Bakit ko tinitiis ang isang tao na mahal ko?

Bakit kailangang palakihin ang isang simpleng sitwasyon?

Bakit ang daming tanong na di ko masagot?

Bakit ka nagbabasa ng entry ko na wala namang wenta?

Bakit nga ba?

Ikaw

Posted in Uncategorized on Hulyo 12, 2010 by etchosera

Lahat tayo ay may mga nakasanayan ng gawin, sabihin, puntahan, kainin at kausapin. Ngunit ang lahat ng ito ay nagbabago at may iba’t ibang dahilan bakit naging ganun. Biglang nawawalan ng gana na gawin uli ung nakasanayan mo na. Nawawalan ng lasa ung pagkain na halos kahit hindi ialok sau ay kakainin mo kagad. Ang laking pagbabago. Nawawala. Ikaw. Katulad mo. Nag bago na rin ako.

pEacE

Posted in Uncategorized on Hulyo 7, 2010 by etchosera

Peace, ano nga ba meron dito? Palagi natin nagagamit, naririnig ang salitang ito. Hindi lang ng mga nag aaway kundi pati sa simbahan di ba nag babatian ng peace be with you, shalom. Minsan green Peace hahaha. Wala adik lang ako. Sabi nga ni Kiko “kapayapaan”. Sana payapa na sia san man siya naroroon. Un bakit napunta dun ang sinasabi ko. Wala lang at peace kasi now ang utak ko hahaha.

Ang sarap ng feeling ng payapa ung takbo ng buhay mo di ba. Un bang may dumating man na mga problema minor o major problems pero saglit mo lang dadamdamin kasi mas nananaig at lumilitaw ung kasiyahan sa iyong buhay. Anjan ako ngayon sa sitwasyon na yan.

Mas masarap isipin na sa lahat ng mga nangyari sa ating buhay mapa nega o maganda man ito, ito’y isang praan ng pagpapatibay ng ating paniniwala at pananalig sa ating AMA. Pasalamatan natin SIYA sa lahat ng mga pagkakataon. Palagi natin SIYANG kausapin dahil sa kanya lang natin matatagpuan ang tunay na kapayapaan.

Perfect peace that this world cannot give can be found in Christ alone, His peace that will brings us comfort in times of difficulties, His peace that will brings us joy in times of sadness and pain, His peace that will give us a goodnight sleep amidst the troubles of this world.

At di ko alam anong pinag sasabi ko dito

Daddy, you can let go…

Posted in Uncategorized with tags , , , on Marso 24, 2010 by etchosera

Mula sa nagising na emosyon ng mabasa ko ang post ni Siamea nag isip ako ng paraan para mawala ung kalungkutan na nararamdaman ko ngayon. Sa aking pag gala gala may nakita akong video na related sa post niya. Salamat Diwatang Gala.

Muli nalaman ko ang kahalagahan ng mga ama. Kung gaano nila tayo ka mahal na mga anak nila.

Mahal na mahal kita, Tatay. Hindi ko man nasabi sa ‘yo dati alam ko kahit papaano naramdaman mo un.