Sorry na…


Normal naman ang usapan natin kanina. Kumustahan. Tawanan. Kulitan. Naging busy ka sa work mo at ako rin. Nang mejo maluwag na ang oras, usap uli. Tapos bigla napansin ko ang status mo. Tinanong kita bakit ganun. May nainis sa iyo, un ang sagot mo. Hingi ka ng sorry sa kanya ung bukal sa loob mo hindi ung labas sa ilong, yan naman ang sagot ko sa iyo. Tapos tinanong uli kita, sino ba ung nainis sau? Sa kasamaang palad di mo sinagot. Pinaalala ko sau na may tanong ako sau. Copy paste mo pa nga eh with a message na di mo na gets. Nainis na ako nun, sinagot kita na di ko rin ma gets. Nahalata mo na inis na ako. Nagtanong ka kung galit ako. Napahiya ako sa sarili ko kasi ang bilis kong nainis sau. Nag sorry ako. Natatawa ka pa nga kasi pareho natin inaako ang kasalanan bakit naging ganun. Tapos normal na uli ang usapan natin. Nag tatawanan na uli. Napag usapan natin ang isang entry ko. Palitan tayo ng opinyon. Ung dating sa iyo, ung side ko. Hanggang sa pinalitan ko na lang ng titulo. Pero alam kong di ka pa rin sang ayon. Tinanong kita kung dedelete ko na lang. Hayz. Tapos nagsabi ka na uuwi ka na. Nag paalam ako ng gaya ng dati. Ingat ikaw. God Bless. Sumagot ka ng maya na lng uli o bukas na. Sabi ko bahala ka, for sure di ako available. Hayz naiinis na naman ako. Ang sagot mo sa aking paalam ay kakaiba. Hindi tulad dati ung alam mo un. Ang sabi mo lang babay. Tapos out na. Nag tx kagad ako sa iyo, tanong ko kung galit ka. Mag reply ka naman kung hindi tatawagan kita. Kaso walang reply, nag tx ako sagutin mo. Naka dalawang beses akong tumawag kaso wala eh. Ring lang ng ring.

Nainis ka na ba ng tuluyan o hindi lang talaga maganda ang simula ng araw na ito para sa atin?

Sorry na…kausapin mo na ako…

 

 

54 Tugon to “Sorry na…”

  1. di kaya di lang kayo nagkaintindihan bb. etchosera? possible ba na sobrang nagmamadali sya kaya ganun ung paalam nya? possible din ba na ung tawag mo di nya nasagot dahil nasa byahe sya? kase sabi mo nagpaalam na para umuwi e. ayun. hmmmm… di kaya nag-oover react ka lang ate? 😉

  2. Lika na kausapin na kita.

    Joke lang V2. Haha. Anyways, alam ba nya tong blog mo? Kung mababasa nya kase to malamang sa malamang eh hindi ren yun makakatiis.

  3. baw aq s pakikipagkumbaba u h 🙂
    baka ayw lng palakihin ang prob kya ayw muna makpag usap..
    jaz gve him/her tym.. 🙂

  4. ay pasensya naman. nagmamadali kasi ako eh. at saka nung tumawag ka nasa byahe ata ako nun eh. nakatulog. ayun. di naman ako galit!

    hahahahahahahahahahaahah!

  5. bigyan mo muna ako ng space..wahahaha.joke. haayy. gnda ng song. ohaohaoha? akakrelate ako

  6. hmmmmmmmmmmm ate etchosera… ano po…

  7. natanggap na po nung bata ang sorry at ok na naman daw po yung bata. 😀

  8. J.Kulisap Says:

    Kung sino ka mang talipandas ka, kausapin mo na itong si Prinsesa Echo.

    Nag-sorry na, huwag nang mapride egg.

  9. kakausapin ka din nun.. pagbantaan mo.

  10. hmmmm bakit ikaw ang nagsosorry?

  11. AWW. okay lang yan. kakausapin ka din nun. 🙂 pero, anlabo nga ha, ndi malinaw kung ba’t xa nagalit. 😀 hehe. ndi na yan magtatampo, palipasin mo na lang. 😀
    o kea naman, itxt mo, “sorry na.. sobrang mahal kita.. wag ka lang mawawala..”
    hayeeeeee!

    yun! pajump lang! 😀 bloghop! 😀

  12. Lam mo namang di kita matitiis eh, nasa church ako nun kaya di ko masagot at di kita mareply. Ayan napilitan akong dito sumagot. Binasa ko pa yung naunang poste. Hindi na ‘ko naiinis sa ‘yo. Muah.

  13. ate etchosera namiss kita kagad! lol hahaha

  14. Mr. Nonsense Says:

    kantahan mo nang husto…sa araw at sa gabi. ma-sweet at malakas na kanta. nang sa huli ay patatawarin ka…

  15. Update update! Hahaha.

  16. paminsan ang mga miscommunication na ganyan, talagang nauuwi sa isang tampuhan. pero konting kiliti lang naman ang katapat nyan.. ook na din 🙂

  17. ang mainis pangit…hehe nakialam ang batangmangyan. nakidaan lang. add kita sa link.

    be happy 🙂

  18. Moody?.. Ahaha! sinu?.. Ikaw o siya?… Etchosera… 😀 hehehe… 🙂 nakow, yan ang mahirap pag naka depende ang emosyon sa ibang tao… (hmn, hindi ko naman sinasabing nakalagpas na ako sa stage na yun) pero ayun… Bakit ba andaming papampam ngayun sa blog?… hihihi… 🙂 ayun… Pa add sa blogroll! me bago akong bahay… 😀

    • nagbabalik si Yvarro 😆

      • uu, ang prodigal son ng wordpress … 🙂 hehe, pagkatapos kuhanin ang limpak limpak na mga koments ay maglalayas.. 🙂 at nng kanyang maisipang hindi pala makabubuti sa akin ang mapalayo… muli akong nagbalik.. 🙂 hehe… 🙂 mamats etchosera… 😀

      • mabuti na lang at alam mo kagad ang daan pabalik. Masalimuot ngayon ang mga daan na tatahakin mo 😆

  19. siya ba ang iyong pag-ibig? ahahaha. pasensya ngayon lang ako nakadaan sa blog mo. sana dumaan ka din minsan sa blog ko. tayo naman eh magpapalitan lang ng mga opinyon sa mga bagay-bagay. go.

Mag-iwan ng puna