Imbak para sa inis

Sorry na…

Posted in Uncategorized with tags , , , , on Marso 3, 2010 by etchosera

Normal naman ang usapan natin kanina. Kumustahan. Tawanan. Kulitan. Naging busy ka sa work mo at ako rin. Nang mejo maluwag na ang oras, usap uli. Tapos bigla napansin ko ang status mo. Tinanong kita bakit ganun. May nainis sa iyo, un ang sagot mo. Hingi ka ng sorry sa kanya ung bukal sa loob mo hindi ung labas sa ilong, yan naman ang sagot ko sa iyo. Tapos tinanong uli kita, sino ba ung nainis sau? Sa kasamaang palad di mo sinagot. Pinaalala ko sau na may tanong ako sau. Copy paste mo pa nga eh with a message na di mo na gets. Nainis na ako nun, sinagot kita na di ko rin ma gets. Nahalata mo na inis na ako. Nagtanong ka kung galit ako. Napahiya ako sa sarili ko kasi ang bilis kong nainis sau. Nag sorry ako. Natatawa ka pa nga kasi pareho natin inaako ang kasalanan bakit naging ganun. Tapos normal na uli ang usapan natin. Nag tatawanan na uli. Napag usapan natin ang isang entry ko. Palitan tayo ng opinyon. Ung dating sa iyo, ung side ko. Hanggang sa pinalitan ko na lang ng titulo. Pero alam kong di ka pa rin sang ayon. Tinanong kita kung dedelete ko na lang. Hayz. Tapos nagsabi ka na uuwi ka na. Nag paalam ako ng gaya ng dati. Ingat ikaw. God Bless. Sumagot ka ng maya na lng uli o bukas na. Sabi ko bahala ka, for sure di ako available. Hayz naiinis na naman ako. Ang sagot mo sa aking paalam ay kakaiba. Hindi tulad dati ung alam mo un. Ang sabi mo lang babay. Tapos out na. Nag tx kagad ako sa iyo, tanong ko kung galit ka. Mag reply ka naman kung hindi tatawagan kita. Kaso walang reply, nag tx ako sagutin mo. Naka dalawang beses akong tumawag kaso wala eh. Ring lang ng ring.

Nainis ka na ba ng tuluyan o hindi lang talaga maganda ang simula ng araw na ito para sa atin?

Sorry na…kausapin mo na ako…