Imbak para sa bias

Impartiality

Posted in Uncategorized with tags , , , on Marso 17, 2010 by etchosera

May mag-ama na nagkaayaan na mag simba. Nakasuot sila ng malinis na damit, ung para sa kanila ay pinaka da bes na pero ito ay may mga tagpi at butas (hindi sila hip hop). Sila ay nabibilang sa mga matatawag na pang karaniwan na mamamayan. Pag dating nila sa may pintuan ng simbahan, tumayo sila sa may pintuan. Inabot na sila ng 15 minutes sa pagkakatayo dun ngunit wala kahit isa sa mga tao na nandun ang lumapit sa kanila para sila papasukin. Walang ngumiti o kumamay na isa sa naka gawiang ugali ng mga Pilipino. Umalis sila ng simbahan. Habang nag lalakad ay nag tanong ang batang lalaki sa kanyang ama. Ang bata ay edad 8 lamang. Sabi niya ” Tatay, bakit hindi tayo pinapansin dun? Bakit hindi tayo welcome? ” Nang biglang may sumagot mula sa taas. Sabi NIYA ” Anak, kahit ako ay hindi welcome dun. Dahil wala dun ang LOVE “

Ang nag salita po dito ay ang ating Panginoon na nasa langit. Ipina aalala lang NIYA na magmahalan tayo. Na dapat walang impartiality, indifferent.

Meron kasi sa atin na may pinapanigan o may pinipili sa makakausap o makakasalamuha. Kapag nakasalubong o nakakita ng mga maporma, maganda, gwapo, seksi, macho, mayaman, artista, pulitiko, teacher, nag oopisina, banker, doctor, nurse, manager, visor o kahit na anong magandang trabaho na naka pustura. Ang luluwang ng mga ngiti natin. Nakiki pag kamay tayo at entertain na entertain natin sila.

Pero kapag isang basurero, tindera, taga linis ng kalye, janitor, messenger, office boy, labandera, karpintero, pedi cab driver at kung anu-ano pa. Karamihan sa atin ay hindi man lang sila mabigyan ng kahit isang ngiti. Hindi natin makuhang makipag kumustahan sa kanila. Maki pag kamay.

Malaking tulong sa kanila ang makatanggap ng ngiti o pangungumusta mula sa kahit kanino. Doon nararamdaman nila na pantay pantay pa rin tayo. Na may pag-asa pa. Let’s show and give Love to everybody. Dahil ang ating AMA ay iniibig tayo ng pantay-pantay.

” Whatever we measure out is what will be measured back to us. If we want others — including God — to show mercy to us and forgive us — we must forgive and be merciful to others.”

Do everything in LOVE ( 1 Corinthians 16:14)