Pangarap na lang ba?


May isang ordinaryong babae na mahilig kumanta. Isa sa mga pangarap niya ang makapag perform sa harap ng maraming tao. Pero likas siyang mahiyain. Nang hiskul siya pag gusto niya kumanta tatawagan niya ang bestfriend niya (gagamit pa ng telepono kahit kapitbahay lang naman hahaha). Pag dating ni bestfriend ang dating malakas na tugtog sa component ay mawawala. Alam niyo kung bakit? Dahil nag salang sila sa vcd player ng pang videoke. Isasara lahat ng bintana at pinto. Hahawakan ang mic na may volume na parang d rin naka mic. Ganun siya.

Sa paglipas ng panahon nakarating siya sa ibang bansa kung saan napakaraming indiano kesa mga local. Sa pananatili nya dito nakatagpo siya ng mga katulad niya sa pananampalataya. Dito rin niya naranasan na sumali sa Music team kung saan sila ang kumakanta ka da may mga gawain. Na hindi niya nagawa ng nasa Pinas sya. Isa-isang dumating ang mga opportunities sa kanya. Nagkaroon siya ng posisyon sa ministry na sinalihan niya. Kasama siya sa mga kumakanta na siyang hilig niya. mahilig din siya sumayaw pero nahihiya pa rin siya dahil sa siya ang pinaka mataas sa mga sumasayaw. Mas pinili nya na andun sa mga kumakanta.

Naiisip pa rin niya minsan na sana mag lead sa oras ng pag pupuri sa ating AMA. Hanggang sa dumating ung time na binigyan na siya ng pagkakataon na makasali sa bagong itrain dito. Andun ung takot sa panibagong task na dumating. Naisip kagad niya ung mga pwedeng sabihin ng mga tao once na siya na ung tumayo sa gitna at kumanta. Madaming mga negative vibes pero andun din naman ung excitement. Hanggang sa dumating ang mensahe sa kanya na ANG MGA OPPORTUNITIES BINIBIGAY NI GOD. Di ba sabi nga ung desire ng heart natin binibigay nia in HIS PERFECT TIME.

Ganyan tayo di ba un bang may mga gusto tayo na mangyari na pag anjan na eh di natin alam kung paano tatanggapin. Dapat palagi tayong maging handa. Baka dumating ang oras na kunin na NIYA uli ito dahil wala kang ginawa sa regalo NIYA sau.

Sa ngayon kahit andun ung takot sa puso niya ay susundin niya at gagawin ang opportunity na ibinigay sa kanya. Dahil alam niya na tinitingnan ng ating AMA  kung anong ginagawa sa mga opportunities na binibigay NIYA.

LET YOUR WILL BE DONE, LORD…

67 Tugon to “Pangarap na lang ba?”

  1. naramdaman ko ang post mong ito ate
    sing to the Lord, praise Him

    naiiyak tuloy ako
    ang talent ay kaiba sa gift which I believe na mas mahalaga ang huli kasi nagagamit ito para sa kanyang ikakaluwalhati!

  2. 2nd base. tulog mode na. tom nalang babasahin

  3. Dati ko pa pangarap den kumanta sa harap ng maraming tao. Hanggang sa unti unti ng kumukupas ang talent ko kuno, masyado ata akong mahiyain.

    Teka, ikaw ba yang bida sa kwentong yan?

  4. wow! talaga ate liz… kumakanta ka?..cge kantahan tayo pero wlang microphone..wahahaha

    hmmm, kung gusto ng puso mo ang pagkanta bakit di mo ibigay para sa kanya… im sure mas matutuwa sya na iniaalay mo ang boses para sa kanya…

    minsan musika din ang dahilan bakit sasabihin kung naka-survived ako sa bawat araw na malayo sa pamilya.

    most powerful song i know… “God will make a way”.

    • wow naman ani ganda ng song ha. Alam mo ba ung FOR ALL U’VE DONE? ganda din un

      • ako alam ko. yan ba yung GOD FOR WHAT YOUVE DONE IAM STANDING AND PRAISING YOU FOR WHO YOU ARE. MY GOD AND MY ONLY NOW IN THE FREEDOM YOU LIVE I CHOOSE THE PATH YOU LIVE. JESUS… BKA MALI ATA AKO….

      • Berl ito un,

        My Saviour, Redeemer. Lifted me from the miry clay hehehe intro lang

      • almighty forever. i will never be the same coz you came here from the everlasting to the world we live the fathers only son and you live and you die and you rose again on high and you open the way for the world to live again hallelujah for all youve done. npakanta lang….

      • ay! di ko alam if narinig ko na yan ate liz.

        ang favorite ko kasi ngayon ay yong “what faith can do” ng Kutless..

  5. Mas malakas nga daw ang loob natin kapag hindi natin kilala ang mga nasa paligid na tao. Katulad ng pagkanta mo sa ibang bansa pero nahihiya ka sa kapitbahay. Hihihi. This is nice Liz. =)

  6. noon ayokong ayoko din kumakanta sa harap ng maraming tao. mamamatay ako sa hiya. pero narealize ko na walang mangyayari kung yung talent e hindi gagamitin upang magbigay puri sa nagbigay nito sa atin… so kanta lang ng kanta. besides, pano tayo mahahasa lalo kung itatago natin yun diba? may mga ilang pagkakataon na napagkakitaan ko rin ang pagawit. hehehe. nahawa ni daddy bong 🙂

  7. naalala ko ung siopao ni jason…

  8. katuwa ka ate. hehehe
    ako din gusto ko din kumanta dati.
    pero ayaw sa akin ng kanta. hehehe
    kaya nagdance dance na lang me.
    oh yeah. oh yeah.

  9. omg! na insecure me bgla sau ate! ahaha.. kc naman ano,insecure aq s mga babaeng magling kumanta at mdli nman aq mainlab sa mga lalakeng magling kumanta! ahaha.. gora te!! halabshu much much much na! ahaha.. turuan mo nman aq kumanta! ehehe.. nga pla nkklimutan ko sbhn sayo to twing mpang aabot tayo..”ui sarap daw xang yakapin” hahaha..lolz.. hamishu te!

  10. ASTIG NITO HA.

    AMEN.

  11. ang ganda ng isinulat mo.. dahil ang mga oppurtunities.. nasa paligid lang natin palagi.. nde lang natin napapansin.. lalo na kung ndi tayo nakafocus sa mga bagay na ito.. pero kung iisipin nating mabuti.. maraming biyaya ang binibigay sa atin.. 🙂

  12. na saling naman ako sa mga huling statements..
    kasi di ba nga nab angggit ko noon sa blog ko na sa buhay ko opportunities come and goes kasi narealize ko hindi pala ako handa .pero para sa akin pala yun eh. ung nga lang saynag….

    na huli nanaman ako kainis…hmp!?

  13. haha bakit hindi pO ba !? ayain pa naman sana kita to sing together wahehehe..

    magandang araw ate kong ma etchoes…

  14. Gamitin ang ibinigay na regalo lalo na kung para sa kabutihan.

    Echos, simula na.

  15. Ganda ng post… Opportunities tlaga comes only ones so pag meron tlagang opportunity kagatin mo na…!!!

    Just passing by makipagkaibigan lng….

    Add mo nman ako sa blogroll mo at add din kita sa akin… 😀

  16. anung favorite mong kanta?

    malapit sa puso ng tao ang pag awit.nakakatuwang natagpuan niya ang bahagi nya sa music peace ng buhay.she’s maybe just a note sa kabuuan pero bahagi sya ng masterpiece.

    masaya ako para sa kanya.

  17. nice blog…. naaaliw akong basahin content ng blog mo…hindi boring….i-link kita ha.

    god bless!

  18. Yeah what a nice post you have in here…. Yan nga dpat nga lng tayong “Always Ready” …

    Yes i agree with what you’ve mention sa baba… Pag may opportunities that comes into you life wag na wag mong tatanggihan dahil bihira lng yan dadaan sa buhat mo… And one thing also e dpat mag share ka din sa talents mo because it’s useless pag ikaw lng ang nag-appreciate sa self mo at pra din ma e teach mo ang mga galing mo sa iba… 😀

    Am i right? 😀

  19. Hahahaha…. Yan ang ibig kung sabihin sau… 😀

  20. tara, videoke nlng tayo!!

    😉

  21. gow gow ate^^

  22. Kya dapat paglinangin at wag itago ang regalong talento na bigay satin ni lord, kung hindi natin ito gagamitin parang hindi natin pinahalagahan ang bigay nia, kung ganon baka bawiin lang in the end…

    Nakidaan lang po 😀

Mag-iwan ng puna