Dahil sa iyo aking pag-ibig.


Pag-ibig…isang kataga na kayhirap maunawaan ng bawat nilalang. Isang espesyal na nararamdaman at umuusbong sa bawat sangkatauhan. Minsan ito ang nakakapag bigay sa atin ng kalakasan na harapin ang bawat hamon ng buhay. Ito rin ang nakakapag pahina sa mga sawi. Anong hiwaga at kapangyahiran meron ka pag-ibig? Isa kang instrumento na nakakapag buklod ng sanlipunan ngunit isa ka rin sa nag wawasak sa mga samahan. Para sa karamihan ang pag-ibig ay isang nobela. Isang mahabang proseso para mahagilap ang tunay na kahulugan nito. Nababago mo pag-ibig ang pananaw ng mga tao.

At isa ako sa nabago mo. Sinabi ko na ayoko na. Takot na ako. Pero sabi nga di mo kayang pigilan pag dumating na siya. Hindi mo na kailangang hanapin dahil kusang dumarating. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nandun na uli sa sitwasyon na kinakatakutan ko. Ang muling umibig. Oo, tama kayo takot akong umibig muli dahil na rin sa aking nakaraang relasyon. Pero hindi ako ang klase ng tao na takot pero hindi marunong lumaban sa mga pagsubok. Kaya heto ako ngayon muling lumalaban. Muling nagpapakatatag. Muling ninais na maranasan ang hiwaga ng pag-ibig.

Hiwaga na inaakala ng iba na ako’y isang baliw. Dahil walang oras na di mo ako napapangiti. Sa mga simpleng bagay na ginagawa mo kahit na sobrang layo natin sa isa’t isa. Kahit na hindi pa tayo magkakilala ng personal. Nangingiti ako kahit wala akong kausap o binabasa na nakakatawa. Natutulala ako kahit hindi naman kita kaharap paano na kaya kung nandito ka na sa tabi ko? Manginginig ba tuhod ko at mauutal kapag magkasama na tayo? Parang palaging may bumubulong sa gilid ng tenga ko na nag lalabas ng mahinang hangin na nakaka pag bigay ng kiliti sa aking katawan. Ganyan ang epekto mo sa aking sistema.

Sistema na pag nakasanayan mo na ay hahanap hanapin. Nakasanayan na natin ang palagiang magkapalitan ng mensahe gamit ang telepono at tawagan kahit pa sabihing mag kaiba tayo ng bansang kinaroroonan. Pag dating ng umaga gigisingin kita o gigisingin mo ako. Pagkatapos maligo naka tutok na sa instrumentong makabago kung saan tayo ay nag uusap gamit ang mga kamay na dinidiktahan ng puso. Nag kukulitan, kwentuhan at bolahan bago pumasok sa trabaho.  Sabay tayong umaalis ng bahay na para bang kasama talaga kita dito. Pagkauwi sa bahay mas inuuna pang buksan ang kumputer bago tingnan kung may pagkain na ba para sa tiyan kong laging gutom.

Gutom na nakakalimutan basta makausap ka lang ng matagalan. Oo, masaya ako sa relasyon natin na kahit na dumating ung bagyo na inaasahan ko man pero di ko napag handaan ay sinalubong ko pa rin ng may ngiti. Ngiti na may kasamang luha dahil alam ko na di sa lahat ng pag kakataon ay nakakulong ako sa bagyo at unos sa larangan ng pag-ibig.

Natapos na ang bagyo sa ating relasyon. Ano ang meron ngayon? Isang walang humpay na kasiyahan lalo na at lagi mong ipinararamdam sa akin kung gaano ako kahalaga sa’yo. Sa’yo na inakala ng iba na sobrang di seryoso. Sinusuportahan mo ako sa aking mga desisyon. Sa aking mga gustong gawin katulad na lang nitong paligsahan ni kuya. Sabi mo pa pumikit lang ako at isipin ka at hayaan kong puso ko ang mangusap. Puso ko ang mag sabi kung ano nga ba meron ka Pag-ibig.

Pag-ibig ko, gusto lang humingi ng paumanhin kung hindi kita masamahan sa bawat araw ng ating buhay. Alam ko ang kagustuhan mo na makasama ako dahil sa araw-araw nating pag-uusap hindi pwedeng mawala ung kahilingan na un. Pero sabi nga ang lahat ay may tamang panahon. Gusto kitang maasikaso at mapag silbihan pero alam kong darating din ang panahon na tayo’y mag kakasama at sana sa panahon na iyon tayo ay mas matatag na.

Matatag na ako at sana mas tumatag pa sa bawat minuto ng aking buhay. Buhay na ibinigay ng ating Diyos Ama na siyang ating tagapag ligtas. Ikaw aking mahal ay pangalawa lang sa aking buhay ngunit huwag kang mag selos dyan dahil ang una sa aking buhay ay si Hesus na siyang tunay na pag-ibig. Dahil si Hesus ay Pag-ibig.

Nag mamahal ako na hindi nag hihintay ng sukli. Nag mamahal at lumalaban para sa ating pag mamahalan. Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang pag-ibig ko.

Takot akong umibig ngunit dahil sa iyo ito’y aking sinubukang muli. Dahil ikaw ang aking pag-ibig.

………….

Kuya Jkul iniibig yan na po ang iyong kahilingan. Kahilingan na di ko kagad napag bigyan. Dahil sa ako’y naguguluhan at dahil na rin sa aking paniniwala na ako’y walang kakayahan. Kakayahan na sinubukan para sa iyo aking kuya.


MusicPlaylist
Music Playlist at MixPod.com

108 Tugon to “Dahil sa iyo aking pag-ibig.”

  1. wohoowoaaaa.. ayos po ito..nararamdaman ko na ang pagibig

  2. “…. Nag mamahal ako na hindi nag hihintay ng sukli. Nag mamahal at lumalaban para sa ating pag mamahalan…”

    pag-ibig nga!

    padaan ha, pa comment na din.
    (ba’t ka nakangiti?) 😉

  3. ayieeeeeee… natutuwa ako para sayo ate liz. natutuwa ako na kahit di ko pa makamit ang pag-ibig na gusto ko, nakamit mo ang sayo.

    napangiti ako dito, ate liz. =)

  4. haay pagibig.. napakalawak nito.. sometimes sinasabi natin na takot na tayong umibig uli pero pag anjan na, mahirap tanggihan.. makakain uli natin yung sinabi natin..

  5. Nice, ang sarap marinig (mabasa) na susubukan mong magmahal, kahit hindi ka sigurado, well wala namang mali sa pag ibig, lahat dito masaya.

  6. Lonelysailor Says:

    pag-ibig? . sadyang makapangyarian at mahiwaga… napapagiti ang puso ng bawat taong nalalamon ng elementong ito..wala sa layo o lapit ng bawat isa na nakukulong sa mundo ng pag-ibig..isang mundong punung-puno ng kulay…

    babala ….
    magingat lang pinsan… baka kung saan ka tangayin ng agos sa mundo ng pag-ibig.. na hindi mo na pala namamalayan na nalulunod kana sa isang malalim na balon.. at pilit tinatanaw ang kulay ng kalangitan…

  7. Mae, alam mo… Pareho tayo ng sitwasyon dati. Natangay ako sa sinulat mo. 😦

    Siguro ganyan din nararamdaman ni X.

    Anyway, kinilig ako sa “ipikit mo na lang ang iyong mga mata…”

    (Copy paste ko sana kaso naka-mobile ako.)

    Goodluck…. Ang saya ko para sa’yo. :]

  8. hmmm..at bakit ganito? hmm, mrami k ng hnd niwewento sakin ate 😦
    nweiz.. im hapi 4 u.. at kakakilig ha, usap agd paggcng at sabay pang pumasok.. shaks! related xa sa entry ko! ahihihi

  9. Basa-basa muna.. hehe! gudlak po!

  10. Ala eh, wala daw kakayahan, talaga namang ibinuhos lahat eh, gay-on nga Liza. tunay ga?

    Kung sino ka mang damuho ka, pakasalan mo si liza ha? Baka ika’y aking tuliin kapag inde natuloy ang pamamanhikan eh.

    Mwah Liza.

    Sa lalake sa buhay ni Liza, umayos ka. Isang banta..dyamante ang nakana mo.

    • gay-on ga kuya para sau yan kuya sakit kaya ng ulo ko kahapon kapipiga hahaha. pasensia na po at magulo ung poste. Gusto ko lang ipakita at ibigay sau ang aking suporta

  11. Eh eto pala yung nakita ko sa fesbuk eh.

  12. ayiiiii nakakakilig naman umikot sa sambablog puno ng pag-ibig

    im happy for you 😉

  13. daan muna ako… basahin ko mamaya bago umuwi…

  14. ate liza….grabeh nman ang nabasa ko…hang ganda ganda…

    Amen Amen Amen

    bawat salita tagos na tagos sa puso…sino kaya ang kanyang iniisip habang tinitipa ang keyboard upang maisulat ang napakagandang latha na ito…hmmmmmmmmm…

    🙂

  15. Napapangiti ako habang binabasa ito Etchosera, iniisip ko yung mga usapan natin sa Plurk na wala kang maisulat. Sige na, ikaw na ang walang maisulat! Tae. Sana nga hindi ka na sumali. Ang gagaling nyo!

    • wahahaha Salbe ng magpaalam ako sa plurk na nagpapadugo ng duguang utak wala pa rin akong naisusulat pero pag patak ng 6pm jan nag pumilit na ako para kay kuya.

      ang mahiwagang tae ni salbe at vajee hahaha

  16. […] 27.Tutubi, Cebu                             28.Echosera, Dubai […]

  17. pakiramdam ko katatapos ko umihi. nakikilig ako. lol

  18. hmm . ate ko, mukang ok kana po ah? im happy for you po

  19. ang saya nman nito ate! 😀

    “Kaya heto ako ngayon muling lumalaban. Muling nagpapakatatag. Muling ninais na maranasan ang hiwaga ng pag-ibig.”

  20. ayun naman! liz masaya ko para sayo….

  21. naman dun sa last three paragraphs ate etchos!
    yehey!
    talagang binasa ko ng buong-buo at yung sa makakalimutan mo yung gutom sa tiyan maka online ka lamang.

    pero ang pinaka gusto ko ay yung pangalawa lamang siya dahil si HESUS ang number 1!

  22. namarkahan ko na
    sana ikaw ang manalo

  23. damang-dama ko.. ang pag-ibig mo echosera… ewan ko.. para kasing naka relate ako ? ? ? ehehehe

  24. hmmm. galing mo bb. etchosera….

    wala ako masabi… napaka swerte ng lalake na minamahal mo…

  25. ito ang tunay na pumapalaot sa pagibig ayiii:-)

    basa mode:-)

  26. wow, ang lalim.. hehehe// 🙂

  27. oo, at meju naka relate ako sa ibang banda.. hehe

  28. naks naks feel na feel ko ang love na naguumapaw sa iyong puso~
    Takot akong umibig ngunit dahil sa iyo ito’y aking sinubukang muli. Dahil ikaw ang aking pag-ibig.—->i certainly agree~~
    love ur post

  29. Masaya ako para sa’yo Ate Liz,
    natagpuan mo ang Pag-ibig mo.., yung sa ‘kin, makikita ko rin yun ulet, sa isang araw, bukas.. darating din yun.. at magkukwento rin ako katulad ng ganito.. ramdam ko na inlove ka ngayon.., sana makilala ko sya para masabi ko na ingatan nya ikaw na isang beautiful soul.

    Im happy you’re happy.. and i will always be grateful i found you here.. in real world.

  30. dumaan pra sa paghuhusga(kuno)ahaha.. at saka my hinahanp n din ahihihi

  31. aayiee! pumapag-ibig ka talaga ate liz… hahahaha, kinikileg ako… 🙂

  32. hindi rin hadlang ang dagat.minsan nga kahit kabilang buhay.

    kay gandang akda.kay ganda nang karanasan mo sa pag-ibig.

  33. naks. experienced na experienced na si ate ko sa lab. pero diba hindi tayo nadadala kasi iba kung sumipa ang pag-ibig.

    😀

  34. NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.

    NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.

    (GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)

    *klap-klap

  35. sobrang iba talaga ang tama ng pag-ibig, na minsan di mo na maintindihan kung bakit tumama s’ya sa ‘yo in the first place. pero nakakatuwa ang mga inilahad mo dito, etchos. kahit ga ‘no man kalayo o kahirap, kung kakayanin at pangangalagaan ninyong dalawa, may mas higit na ligaya kayong matatamasa.

    good luck sa patimpalak!

    • kuya na dadi bong pa hehehe….

      para po sa akin lahat panalo na dahil sa suporta kay kuya jkul at sa mga talentong ipinakita. (may kumain pa ng apoy o tumulay sa alambre?) hahaha

      malapit na po tayong magkita-kita. 😛

  36. kakakilig na kakalungkot.

    labit.
    😉

  37. gnehpalle02 Says:

    sa iyong akda parang napakasarap umibig. Binigyan mo ng ibang kulay ang Pag-ibig na may kasamang paniniwala at pag-asa. 😀

  38. dumadaan lang ako….

    wala bang pagkaen dito ate??? nagugugtom ako…lol

  39. ako din dumalaw para mag-rate lol

    perstaym

    let us treat each day our last when it comes to love. at the end of the day there will be no tears but hope inside the heart. be happy and stay happy.

    PS: tandaan sana ni bf ang banta ni jkul lol

    😀

  40. maganda ang gawa mo, kung isa lang ako sa mga secret judge malamang mataas ang puntos na ibibigay ko sayo. gudluck

  41. una s late n ko hahaha at pangalwa mataas ang bnigy kong grado syo(sna ikw rn skn hahaha!)
    At e2 n ang 22ong koment hmmm pag ibig hrap iwsan yan kht anong gwn pero kpag dumting alam mong tama gow na lng mhrap mkwala ang sya n pwdeng ibgy syo nun(buti n lng nklampas n ko s pagh2nap at msya n rn ako now.hehehe) aniwei wlmg bgy n d bnbgy stn kung d ukol stn at mrahl sya n ang pag ibig n bngay syo. Ingat.

    • jam hehehe salamat. tingnan mo tinatanggap ng bahay ko ung comment mo ung comment ko sa bahay mo ayaw tanggapin wahahaha. kahit ilang beses pa akong magpasa.

      masaya ako at natagpuan mo na ang pag-ibig mo may bunga na nga di ba 😛

  42. Opo magdadalawa na ang bunga hahaha..kailngan e..baka mahirapan na. suplada rin pala kahit bahay ko mana sa may ari hahaha sori nmn para dun..hahaha ingat po

  43. Nako nman tlagang ang lahat na ng mga blogger na napuntahan ko eh ang mga post eh tungkol sa pag-ibig… Tlaga nmang ma inlove o kaya’y bigo sa pag-ibig..

    Dalawa lng nman yan eh… Bigo lng ang inlove sa pag-ibig… Asan kaya dyan and tama…:D

  44. *kaway* ate etchos!
    be blessed!

  45. Hello po Miss Etchos haiz pag-ibig na nman… Nako nman alam nyo namang full of hearts ako ngaun eh.. 😀 Char!… Nkakabalik sa mga minamahal ko…. 😀

    Nakikiraan lng po… Pa add nman po sa blogroll mo… Na add na kita sa akin…. 😀

  46. Bago ako magbakasyon bukas,
    isang matindi, masigabong, nag-aalab, nagpupuyos na *kaway* at *tumbling*
    sa mga naggagandahang dilag ng sambablog.

    Be blessed ate etchos!
    Edi mubarak!
    Flying kiss

  47. im willing to take a risk because of love…

  48. hello visit lng po

Mag-iwan ng puna