Imbak para sa LOVE

Impartiality

Posted in Uncategorized with tags , , , on Marso 17, 2010 by etchosera

May mag-ama na nagkaayaan na mag simba. Nakasuot sila ng malinis na damit, ung para sa kanila ay pinaka da bes na pero ito ay may mga tagpi at butas (hindi sila hip hop). Sila ay nabibilang sa mga matatawag na pang karaniwan na mamamayan. Pag dating nila sa may pintuan ng simbahan, tumayo sila sa may pintuan. Inabot na sila ng 15 minutes sa pagkakatayo dun ngunit wala kahit isa sa mga tao na nandun ang lumapit sa kanila para sila papasukin. Walang ngumiti o kumamay na isa sa naka gawiang ugali ng mga Pilipino. Umalis sila ng simbahan. Habang nag lalakad ay nag tanong ang batang lalaki sa kanyang ama. Ang bata ay edad 8 lamang. Sabi niya ” Tatay, bakit hindi tayo pinapansin dun? Bakit hindi tayo welcome? ” Nang biglang may sumagot mula sa taas. Sabi NIYA ” Anak, kahit ako ay hindi welcome dun. Dahil wala dun ang LOVE “

Ang nag salita po dito ay ang ating Panginoon na nasa langit. Ipina aalala lang NIYA na magmahalan tayo. Na dapat walang impartiality, indifferent.

Meron kasi sa atin na may pinapanigan o may pinipili sa makakausap o makakasalamuha. Kapag nakasalubong o nakakita ng mga maporma, maganda, gwapo, seksi, macho, mayaman, artista, pulitiko, teacher, nag oopisina, banker, doctor, nurse, manager, visor o kahit na anong magandang trabaho na naka pustura. Ang luluwang ng mga ngiti natin. Nakiki pag kamay tayo at entertain na entertain natin sila.

Pero kapag isang basurero, tindera, taga linis ng kalye, janitor, messenger, office boy, labandera, karpintero, pedi cab driver at kung anu-ano pa. Karamihan sa atin ay hindi man lang sila mabigyan ng kahit isang ngiti. Hindi natin makuhang makipag kumustahan sa kanila. Maki pag kamay.

Malaking tulong sa kanila ang makatanggap ng ngiti o pangungumusta mula sa kahit kanino. Doon nararamdaman nila na pantay pantay pa rin tayo. Na may pag-asa pa. Let’s show and give Love to everybody. Dahil ang ating AMA ay iniibig tayo ng pantay-pantay.

” Whatever we measure out is what will be measured back to us. If we want others — including God — to show mercy to us and forgive us — we must forgive and be merciful to others.”

Do everything in LOVE ( 1 Corinthians 16:14)

Dapat ka bang mahalin?

Posted in Uncategorized with tags , on Nobyembre 15, 2009 by etchosera

Minsan naiisip mo rin ba n ayaw mo ng ipagpatuloy o sumubok ng isang bagay na tuwing gagawin mo e talo ka. Un bang ginawa mo na ang best mo pero wala pa rin. Iba iba tau ng mga sinusukuan o iniiwasan na gawin o try gawin di ba. Sa akin sa ngayon sa larangan ng pag-ibig.

Haiz….ammmm….ganito kasi un. May nakilala akong isang lalaki,sa simula kumustahan, tx, tawagan hanggang sa maging kami. Sabi nia hiwalay sia sa asawa at may isang anak at madami pa siang share about his family. So, naniwala nman ako. Pero dumating ang oras na matuklasan ko n di sia hiwalay at 2 ang anak nia. Pinilit kong intindihin ang paliwanag nia. Pero nakipag hiwalay ako. Tuloy ang pag uusap nmin sa Ym at tx kumustahan,as friends. Pero dumating ung time na sinabi nia na wag ko siang iwan dahil d nia kaya. Ako nman sige, ok mahal ko, e ano ngayon di ba. Pero kahit pala sobrang mahal mo ang isang tao, mararanasan mo pa rin ang palaging makonsensiya. Dahil alam na alam ko na ang totoong sitwasyon nia kaya kahit masaya ako at mahal na mahal ko sia nag desisyon ako na iwanan na sia ng tuluyan. After a week, nalaman ko n may gf n kagad sia sa net at sa personal. Kinausap ko sia, ang paliwanag nia ginawa lang nia ung way para makalimutan kagad ako. Ganun ba un? Di matanggap ng puso’t isipan ko un. Nagtatalo ang isip ko sa nangyayari,nagki2ta pa rin kami dahil d ko sia matiis at the same time nasasaktan ako dahil sa mga nababasa ko n tx sa kanya ng gf nia. Sobrang nasasaktan na ako sa nagyayari pero nahihirapan akong iwanan sia ng tuluyan. Sobrang pagpapakababa na ung ginawa ko pero nag desisyon na ko. This time its really goodbye.

Masama loob ko sa kanya dahil sa mga pananakit nia sa damdamin ko pero galit din ako sa sarili ko kasi mahal ko pa sia.

Di ko alam kung paano magsimula…

when you’re gone

Paano ba ang mag move on?

Posted in Uncategorized with tags , on Nobyembre 12, 2009 by etchosera

Paano nga ba mag move on? Lalo na at may kasabihan na ” WAG KANG UMASA KUNG SA SIMULA PA LANG AY ALAM MO NG WALA NA”…