Bakit?


Bakit kailangang lagyan ng asin ang pagkain?

Bakit laging may formula sa excel?

Bakit kailangang mag palit ng passport kung pwede pa naman ung dati?

Bakit binawasan ang bus papunta sa trabaho ko alam naman nila na ang daming pasahero?

Bakit kailangang mag update sa blog kung pwede namang hindi?

Bakit na miss ko magsulat kahit di ako marunong nito?

Bakit may mga sitwasyon na iniisip mo na kagad na di mo kakayanin?

Bakit ang dali na magbigay ng payo sa isang tao na kailangan ng opinyon mo pero pag sa’yo na nangyari ay di mo magawa ung mga sinabi mo?

Bakit ang daling sabihin na ok lang ako kahit ang totoo ay hindi?

Bakit kailangang lumayo kung pwede namang mag stay?

Bakit kailangang mag gudbye kung pwede naman ang be right back?

Bakit sinasabi mo na dito langย  ako pero ang totoo wala ka naman sa tabi ko?

Bakit pag malungkot ka wala ka sa mood?

Bakit ako nasasaktan kahit di naman dapat?

Bakit ko tinitiis ang isang tao na mahal ko?

Bakit kailangang palakihin ang isang simpleng sitwasyon?

Bakit ang daming tanong na di ko masagot?

Bakit ka nagbabasa ng entry ko na wala namang wenta?

Bakit nga ba?

107 Tugon to “Bakit?”

  1. gusto ko ng mga linyang ito:

    Bakit ang dali na magbigay ng payo sa isang tao na kailangan ng opinyon mo pero pag saโ€™yo na nangyari ay di mo magawa ung mga sinabi mo?

    Bakit ang daling sabihin na ok lang ako kahit ang totoo ay hindi?

    Bakit kailangang lumayo kung pwede namang mag stay?

    Bakit kailangang mag gudbye kung pwede naman ang be right back?

    Bakit sinasabi mo na dito lang ako pero ang totoo wala ka naman sa tabi ko?

    Ganda kasi parang tanong ko lang ngayon.. bkit nga ba minsan may mga bagay na nagugulutan tayo. basta maraming tanong sa buhay na kailangan sagutin. ikaw, ako at tayo lang naman at si GOD ang makakasagot nito kaya sagot na…

  2. Bakit ka nagbabasa ng entry ko na wala namang wenta?—- natawa ako pagdating ko dito..ang serious kasi tapos biglang hirit..

    hmmm, bakit nga ba?…ewan ko rin, ang dami ko kayang tanong na di ko masagot, hahahaha, lalo yatang gumulo utak ko nang binasa ko mga question mo ate liz…hahaha

  3. Bakit nga kaya ate etchos?
    shaks napapaisip tuloy ako

    tsaka bakit ba? ahahahah

    hindi ako beys. huhuhuhu

    babalik ako angdaming bakit eh, sasagutin ba namin sia-isa yan?

    be blessed po!

  4. bakit ang daming bakit? yung iba pwede kong sagutin, yung iba naman, di ko masasagot talaga…teka, bakit ako nagcocomment? hahahaha!

    ang sagot: kasi, love kita. mwah!

  5. un panalo hahaha Ate salamat po. Need ko yan now mwuahhh.

    Love din kita ate lam mo yan.

    Ang dami kasing tanong d ko masagot hahaha

  6. Bakit ang daming bakit? Dahilan na rin marahil sa pagkakagawa ng utak natin. Sa bawat pasok in inpormasyon sa utak natin, maraming sanga ang pinupuntahan para busisihin ito. Dito na nabubuo ang maraming bakit dahil bawat sanga sa utak ay may kanya-kanyang desisyon.

    Sumagi lang sa utak ko habang binabasa ko ang marami mong bakit ang pagkaaliw ko noon sa artificial neural networks.

  7. bakit gusto kong sagutin lahat ng mga tanong mo na may kinalaman sa bakit na mga tanong mo. bakit ang gulo ko lang. naaliw ako sa entry mo. perstaym ko.

  8. Lonelysailor Says:

    may kulang pa pinsan.. hahaha..

    eto ang tag line ko ei..

    bakit may ganun?..

    hahaha.. yan pinsa sagutin mo yan .. kung kaya mo..

  9. Lonelysailor Says:

    eto pa pinsan isa pang tanung …

    bakit lahat ng bagay na may simula, nagkakaron ng katapusan ?

    hahaha.. pasyal ulit ako sa blog mo pinsan… para gusto ko din mag blog na lang ako kesa mag aliw sa mga chatroom.. hahaha

  10. pinsan hahaha gawa ka na rin ng blog mo.

  11. minsan alam natin ang sagot sa mga bakit.. pero minsan mas gusto natin masunod yun will natin.. kasi kung kaya natin gawin hindi na tayo magtatanong ng bakit gagawin nalang naten .. Everything happens for a reason.. Let’s just lift everything to God..

    ang serious ko ba? minsan lang to haha

    bakit ako nagbabasa ng entry mo? kasi may kwenta ka sa akin

    padaan ulit echos ๐Ÿ˜‰

  12. bakit bakit? puro bakit…
    ung tungkol sa goodbye at pag-stay, tingin ko kayang kaya mo yan sagutin.

  13. Bakit sa jeep sasakay ka muna bago magpamasahe pero sa sauna magpamasahe ka muna bago sumakay?

    Bakit maliit ang mata ng mga Tsinoy na businessman pero malaki ang Kita nila?

    Bakit pinapatay ang ilaw saka binubuksan? diba dapat patayin at buhayin o di kaya isara at buksan?

    Bakit pahaba lahat ng kabaong? Wala bang Cube? Sphere? Triangle?

    Bakit tinutusok lang ng guwardiya ng stick ang loob ng bag mo pagpasok mo sa mall?

    Bakit ang ilaw natin sa araw ay Araw pero ang ilaw natin sa gabi ay hindi Gabi?

    Bakit walang 13th floor sa mga building? Hindi ba alam ng mga nasa 14th floor kung anong floor talaga sila? In denial ba sila?

    Bakit dog style ang tawag dun sa posisyon na yun eh ganun din naman posisyon ng mga baboy, pusa, kabayo at kung ano pang mga ibang hayop?

    Bakit madaming hayop ang kasing lasa ng manok?

    Bakit tinanatapon mo ang tinga eh pagkain din naman un at hindi naman marumi?

    Bakit ayaw ng mga babae ang matigas ang ulo pero gusto nila ang matigas ang ulo?

    Bakit ang mga busina eh beep-beep na lang palagi. Di ba pwedeng mga salita naman? “Andyan na ako!”, “Tumabi ka dyan!”, “Tangina mo nasa harapan ka bilisan mo!”

    Bakit walang mapa na actual size?

    Bakit bilog bilog ang tae ng kambing?

    Bakit nakakatawa pag me nadapa?

    Bakit ang haba ng comment ko?

  14. isang malaking bakit!!!! waaaaaaaaah! sis bakit ko kasi hinanap yung fb acct nya! bakit ako ngseselos! bakit bakit bakit! ๐Ÿ˜ฅ

  15. bakit ang dami mong tanong?

    bakti ang dami ko rin sanang sagot?

    pero di ko na lang sasabihin..

    Sorry Ate, in some way.. in anyway i hurt you.. -that is not what i wanted.

  16. ateee san ka? sori natagaln ehehe..halabshu!

  17. naalala ko po tuloy ang kantang Bakit ni gloc 9.. haha anlayoooo sa mga nakasulat pero kasi yun yung title ng kanta.. wala lang.. hihi ๐Ÿ™‚

    napadaan lang po. bloghop mode ๐Ÿ˜€

  18. baket, ate liz? baket? kasi shitty si life. power tripper. period.

  19. WAIIIT!

    Ako lang ba nag eenjoy sa formulas sa excel?

    Booyah!

  20. teh! may problema ka ?

  21. dahil mahal kita!

  22. magadang umaga naman ate etchos!

  23. musta? ok ka lang ba?

  24. Bakit nga ba?

    –> Dahil lahat ng bagay ay may dahilan. ๐Ÿ˜‰

    Bakit pakiramdam ko, konektado ng kaunting-kaunti lang naman itong poste mo sa aking pagpapanggap. Hehehe.

    Ingat lage Ate at Godbless!

  25. bakit ka ng bakit dyan

    bakit ako nagababasa? kasi labs kita

  26. aht3h wh3r nHaH phFou3 yHou ? ? j3j3j3

    TRANSLATION :

    te! san kana ? bc ka ba ? paramdam kana dalii
    mimiya out na kuu, kasi dadting si boss
    magpapanggap akong d marunong mag net, para d nya ko mapaghinalaan
    hahah!
    imissyou na po .

    (un talaga sasabihin ko, d ko lang kaya un sa jejebet haha) mua!โ™ฅ

  27. bakit may nagsasabing dito lng ako lagi sa likod mo pero paglingon mo wala naman sya…

    napadaan lng po 1st time ko po d2 ๐Ÿ™‚

    patambay po muna at magbabackread ako blackcoffee pls w/out sugar thanks!

    • haha nag order ka pa sis.

      salamat sa pagdaan dito

      • nagbackread ako hanggang March Post mo at napagisip isip ko habang nagbabasa ako bakit ngayon ko lng natagpuan blog mo? bakit ngayon lng ako gumala? bakit? bakit?

        isa pang request pwede po bang maihug kita sa blogroll ko? salamat po…

        gandang hapon sayo:-)

      • sis ok lang po kung isasali mo ako sa blogroll mo. Isasali din kita. salamat.

        Nagsara ang blog ko sis kaka bukas lang nito dis month.

      • ah oo napansin ko sa mga comments ang pagwelcome ulit sayo… Baket ulit ahahaha joke lng po….

  28. Ate! Momomomongeneng! Or Afternoon. Or anu ba oras na dyan? Haha.

  29. THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

    THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

  30. ahahaha, ang dami namang bakit niyan?? ahahah

    bakit????

  31. Sana..dinagdag mo na rin to

    ” bakit kapag inlab ka at broken hearted halos pareho ang feeling”

    At bakit ako napadaan dito ewan ko rin hahahaha…. Ingat..

  32. hi

    gusto ko ung line na bakit ang daling magbigay ng payo sa isang tao pero pag nsayo na di mo alam ang gagawin mo

    minsan na nangyari to sa akin..at pangit talaga ang feeling..never felt so helpless ๐Ÿ˜ฆ

  33. hello…napadaan lng at at dadaan ulit sa susunod ๐Ÿ˜€

  34. *hugz* ate….. halabshu! everythngs wil be ok.

  35. ate liza i’m here na…wala na malungkot…

    smile ๐Ÿ™‚

  36. bakit?? oh bakit ako napadpad dito?? total andito na rin.. patambay po ako..
    daming tanong na ang hirap sagutin.. haayz..

  37. kung sasabihin ko namang eh bakit nga ba!? parang wala naman akong originality..

    nag isip ako
    nag isip talaga ako!
    at humantong ako sa sagot ko na—–

    malay ko nga ba!?

  38. magandang umaga po
    update na!
    bilis!

  39. alam mo bang ngayon lang ako nakadalaw ulit dito dahil dati,nung madalas ko tong pntahan,nanghihingi sya sa akin ng tala.

    magpatala daw.malay ko ba dun.kala ko tuloy,private reading na sya at hindi na ko bumalik.pero ngayon ok na.pwede na ulit sa akin.

    hehehe!ang dami mo namang tanong.hindi ko tuloy alam kung ilan ang kaya kong sagutin.tas magkakamali pa ko.

    huwag na nga lang.

    pa ‘hi’ na lang sabay ‘hello’

  40. Bakit nga ba ang dami mong tanong? =)

  41. Padaan ๐Ÿ™‚
    oo nga bakit nga ba ang daming bakit? (tanong na di masagot):D
    pwera lang sa last question mo, kaya kong sagutin haha!
    *bakit ko to binabasa? hehe malaysia, hongkong, japan. wee.
    interesting e. un na. ๐Ÿ™‚

    -baguhan lang ako dito sa blog :DD

  42. ate lizzzzz….

    bakit wala si ate???

    hmmmmmm…

  43. Oo, ang daming bakit ng buhay. Isang bucket nga diyan!

  44. bakit nga ba? ewan ko bat ako ngbabasa nito ๐Ÿ˜€ ngkokomento pa na di ko nman alam kung ano ang kwento ehehehe

Mag-iwan ng puna