Imbak para sa sermon

tantanan mo ako

Posted in Uncategorized with tags , , , , , on Marso 3, 2010 by etchosera

May sakit ako, oo meron. Di ko nga alam bakit pabalik balik ung ubo, sipon,sakit ng ulo at lagnat ko. Magiging ok lang pakiramdam ko ng one week tapos ganito na uli. Tahol ng tahol. Ang ingay. Walang tigil ang pag ubo lalo na sa gabi. Di ako patulugin nito. Tapos kanina may tumawag na isang kaibigan, oo kaibigan ko siya. Matagal tagal na rin kaming walang kumustahan. Tapos kanina pag tawag niya, nauna lang siya ng 1 segundo sa alarm ko, naramdaman ata na may sakit ako. Un sabay sabi ng bakit daw pabalik balik ang sakit ko. Kahit ako di ko alam. Wala naman may gusto sa atin ang mag kasakit di ba. Sabi ko nga ang “aga ha”. Ang aga naman kasi sinesermunan ako. Alagaan ko daw sarili ko. Inaalagaan ko naman ah. Pahinga lang siguro ang kailangan ko. Di kasi ako umiinom ng gamot. Sabihin ng matigas ulo ko, eh ano ngayon. Mas gusto kong uminom ng tubig kesa mag gamot.

Bakit nga ba kasi pabalik balik na lang itong sakit na ito…di bale sana kung nakaka payat ito eh kaso hindi bwahaha…

tantanan mo na ako sakit kung hindi, papa doktor na ako huhu. ayoko nga mag pa doktor eh…