Imbak para sa moment of truth

Moment of truth

Posted in Uncategorized with tags , , , , on Enero 13, 2010 by etchosera

Anong petsa na wala pa ring pumapasok sa utak ko. Blangko pa rin. Hindi pwede ito presentation ko na bukas. At anong ginagawa ko? Wala…nakatulala sa materials. Ang daming pumapasok sa utak ko na d nman related sa presentation ko. Nawiwindang na ako. Ang hirap ng ganito, ang masama pa bukas na ung presentation. Bukas as in bukas…haiz…

Moment of truth na bukas and yet ang utak ko ay parang tinapay na puro hangin ang laman. Timba na butas na kahit lagyan ko ng lagyan ng tubig, wala ring naiipon kasi natatapon lang. Ganyan ako ngayon kung kelan kailangan ang konsentrasyon ay saka nman di mahagilap. Mailap pa sa daga, namannnnnnnnn.

Akala ko pa nman ngayong araw na ito ay di ako busy sa work pero wag ka, ang agang pumasok ng boss ko at ang dami kagad kailangan gawin. Papirmahan sa lahat ng ka sosyo ang Memorandum of Sales, Notary Republic declaring na isa na sia sa pwedeng pumirma sa mga visa. Scanned and ask the office support to send it. Bumaba sa mall para mag hanap ng keyboard kasi ba nman itong isang manager ay nag rereklamo di daw gumagana ang ctrl key nia..hai gulay….

Kaya ko ito…mamaya lang ok na ako. Ok na ang pag rereview ko para sa presentation ko bukas.. Mamaya lang..haiz gutom na pala ako. Kain muna ako..hahaha..