Imbak para sa KASAKITAN

Good Bye…

Posted in Uncategorized with tags , , , , on Enero 23, 2010 by etchosera

Sa mga araw na wala akong magawa kundi magbasa ng mga entry niyo mga kaibigan. Makipag kulitan at mangiti sa mga komento kahit ang totoo ako’y nasasaktan. Dahil sa mga payo niyo, ngayon ako’y naririto upang harapin ang lahat ng hamon ng buhay.

Acceptance daw ang unang unang kailangan sa sitwasyong meron ako ngayon. Patawarin ang aking sarili sa lahat ng mga nangyari dahil galit ako sa sarili ko. Patawarin ang mga taong naging involve higit sa lahat ang TAONG DAHILAN NG LAHAT NG ITO.

Kailangan kong mag simula sa zero as in sa wala. Alam kong di ganun kadali ang lahat pero kung patuloy kong iisipin na mahirap un di ako makakaalis dito. Dahan dahan magiging ok din ang lahat. Unti unti magiging ok din ako.

Asa stage ako ngayon ng pag lelet go ng lahat ng may kaugnayan sa isang tao. Sa taong naging dahilan ng lahat ng kasakitan at panghihina. At dahil isa sa may kaugnayan sa kanya ay ang pag boblog, maging itong aking bahay sulatan ay pansamantala kong iiwan.

Gusto kong kunin ang pagkakataong ito na pasalamatan KAYONG LAHAT na napapadpad dito. Sa lahat ng naging kakulitan, kausap at kaibigan dito MARAMING MARAMING SALAMAT PO. Sobrang laking tulong ng mga payo, komento at presensya nio upang ako’y maging desidido na mag let go.

Pasensia na po kung  di muna ako makadalaw sa mga bahay niyo dahil habang bumibisita ako dun ay nagkakaroon ako ng dahilan na dalawin ang bahay niya. Pansamantala ko rin po munang iiwan itong pag boblog. Kung mag komento man po kayo at di ako makapag reply sana maintindihan niyo. Pasensia po.

“PLS. PRAY FOR ME NA MAKAYA KO ITO”…

babalik ako pero di ko alam kung kelan