It’s 828 Metres

Posted in Uncategorized with tags , , , , , on Enero 5, 2010 by etchosera

The world’s tallest building is 828 metres and has been named Burj Khalifa. It was unveiled yesterday (Jan. 4, 2010).

As fireworks lit up the night sky and fountains danced to the lilting tunes of bagpipes, Burj Khalifa (also known as Burj Dubai) too its place as the tallest building on Earth. Skydivers, draped in the UAE flag, descended amidst a roar of cheer. Dubai was on top of the world. The tower, bathed in splendid lights, stood testament tp the glory of Dubai. The night will stay etched in history. (Gulf News)

Wrong Send…

Posted in Uncategorized with tags , , , on Disyembre 31, 2009 by etchosera

Naks, kunwari ka pa na wrong send ka pero kwidaw ka sinadya mo un. Aminin!!! 🙂

Naranasan nio na ba na mag kunwaring na wrong send pero ang totoo eh style lang un para magpapansin o maging way para makapag usap uli kau ng taong matagal niong di nakakausap. Pwede rin naman na kayo ang nakatanggap ng wrong send message o sinadyang mensahe just to hurt you. Yun bang mga mensahe na dapat ay sa bago niyang gf/ bf pero wag ka sa iyo nya isesend. Para ano? Para pasakitan ka? Para ipaalam na “Hoy may ipinalit na ako sa ‘yo, ano ka ngayon”. Minsan para lang din mang asar.

O bakit ka natatawa? Gawain mo ang isa sa mga yan noh, o kaya naranasan mo rin ito, bwahaha. Di na uso ung mga palusot na: “Ay sori mali ako ng natype na number” eh ung message mo pang reply sa kung sino mang kausap mo kuno sa txt. Lulusot ka pa sa presinto ka magpaliwanag, lol.

At dahil sa ginawa mo na ito nagkaroon ako ng idea. Boylah!!!! May new entry ako kahit ganito-ganito lang bwahaha. Walang pakialaman! Eh, ano kung di ako maayos gumawa ng blog. Basta gusto kong mag sulat. Ma e express ung asa isip at puso ko, naks drama na ito.

Walang siraan ng moment. Basta pinasaya mo ako sa ginawa mo na ang intensyon mo ay sirain ang mood ko, awtz. Di ako tinablan. Kasi mas mahalaga sa akin ang kung ano man meron ako ngayon, ang aking kalayaan.

Peace po para sa lahat. Magmahalan tayo at magtulungan. Masaganang Bagong Taon para sa lahat.

Good Bye 2009. Hello 2010

Di ko kaya!!!!

Posted in Uncategorized with tags , , , on Disyembre 29, 2009 by etchosera

Wala lang nagustuhan ko lang ang kanta.

 

 

Ano meron sa Pasko at Bagong Taon?

Posted in Uncategorized with tags , , , on Disyembre 28, 2009 by etchosera

Ano nga ba meron sa Pasko at Bagong Taon?

Di ba ito ay araw na kung saan dpat ay sobrang ipinararamdam ntin ang LOVE. Kasi sa okasyon lang na ito mejo may panahon ang iba na maisip ang kahalagan ng pagmamahal.

E paano naman kung sa mismong araw ng Pasko ay nag sinungaling ka. Na ung matagal mo ng gawain na kasinungalingan ay ginawa mo pa rin kahit sa mismong araw ng pasko. At kanino mo ginawa ito? Hindi lang sa mga kaibigan mo mas higit sa kapatid at pamilya mo. Pwera pa dun si Hesus na mas higit na nasasaktan sa mga ginagawa mo. Di ka man lang nangiling.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maitatago natin ang ating mga lihim. At ano sa oras na mabunyag, anong mga sinasabi mo puro reverse psychology ginagawa mo para malayo at malihis ang usapan.

Nagsasaya ka, di mo naiisip madami kang nasasagasaan.

The End is NEAR….

Posted in Uncategorized with tags , , on Disyembre 23, 2009 by etchosera

Ilang araw na lang at Bagong taon na naman. May ilan jan na nag gagawa na ng kanilang mga New Year Resolution, wag ka ilang taon na nilang laging new year resolution un. Pagkadami dami ng isinusulat tulad ng mga:

  1. Di na ako mag susungit ( sa mababait sa akin lang 🙂 )
  2. Di na ako papasok ng late ( skul o trabaho)
  3. Di na ako mangungupit ng pera (aminin gawain un ng mga bata pa tau) bwahaha lalo pag kulang ang allowans
  4. Di na mag yoyosi at mag iinom (kapag walang okasyon)
  5. Di na mag sisinungaling
  6. Magiging faithful na ako (sa kaharap ko)
  7. Maglilinis na palagi ng bahay
  8. Magpapapayat (mag diet)
  9. Magtitipid
  10. Magpapakabait (mahirap ata ito)

Ilan lang ang mga ito sa karaniwang nakasulat sa mga New Year Resolution natin sa aminin man natin o hindi. Pero sa tingin nio may naitutulong ba ang mga ganitong pag susulat taon taon? Meron kasing iba na masabi lang na may ginawang ganitong senario para in. Eh sana nman ginagawa mo rin ung mga sinusulat mo sa resolution mo pra sa susunod na taon eh iba nman ang laman niyan.

Ano kaya New Year Resolution ng mga Pulitiko? bwahaha pati ba nman un pakialaman.

Masaganang Bagong Taon po…

Tamad

Posted in Uncategorized with tags , , on Disyembre 23, 2009 by etchosera

Anong petsa na may naka deadline akong mga papales na dapat gawin pero anong ginagawa ko? WALAAAAAA. huh! Kailangan kong mangolekta ng mga detalye para sa iniatas sa akin na gagawin ko. Kailangan ko rin ng mga litrato, imahe na related sa sitwasyon ng proyekto. Kailangan kong mag produce ng masaganang idea ang utak ko. Ung may sense naman para sulit ang ibinabayad sa akin dito sa trabaho. Pero anong ginagawa ko? Pabalik balik sa bahay ng mga blogista. Nagbabasa, tumatawa at nakikisimpatya sa kung ano man ang kanilang isinulat. Pero hello 3 1/2 hrs na lang uwian na wala pa rin akong nagagawa sa trabaho ko. Nakababad sa fb. Naka Ym pero nakatago at walang kinakausap khit isa sa mga kaibigan dahil ayaw pa storbo (as if nman busy).

Aba ewan ko ba bakit lately eh walang pumasok sa utak ko na idea pra sa deadline ko. lagot di pwede na ganito ng ganito. Baka pulutin ako sa kakahuyan nito. Ang hirap kasi kapag umatake na ung pagka blangko. Tulala, wala sa sarili, walang gana at higit sa lahat tinatamad.

TAMAD ako ngayon, sana nman bukas hindi. Kung magpapatuloy akong ganito aba magugutom ako. Wala akong ipapakain sa pamilya ko. Sa mga alaga ko sa tiyan na madaling mag aburido kapag walang laman.

hindi masama ang paminsan minsan pag lilibang pero ang pag dalas na gawin ito ay isang katamaran.

ang sarap matulog zzzzz

Merry ba ang Christmas nio?

Posted in Uncategorized with tags , on Disyembre 21, 2009 by etchosera

Merry Christmas po sa lahat!!!

Nakikibati ako nito kahit di ko maramdaman ang spirit of Christmas. Napakahirap mag pasko pag nasa malayo kang lugar. Sa lugar na hindi pinapansin ang ganitong okasyon. Sa lugar kung san puro trabaho lang ang dapat gawin.

Sobrang nakakalungkot ang paskong ito. Nasa malayo ka na ngang lugar, sugatan ka pa. Bakit ba nman kasi natapat pa sa buwan na ito ang mga problema. Sana kahit papaano e naramdaman ko ang spirito ng pasko khit sa tv, blogs at net ko lang nakikita, nababasa at nadidinig. Paano ba mag pasko kung napakalayo mo sa iyong mga mahal sa buhay? Kung ang taong inakala mo na makakasama mo sa araw na ito ay biglang iniwan ka sa kawalan. Ginawa kang parang basura. Na porket alam nia na mahal na mahal mo siya ay ginawa na nia ang lahat ng kalokohan kasi alam niya na di mo pa rin siya iiwan.

Pero dumating na ang oras kung saan dapat ng mag hiwalay ang magkapareha na iisa lang ang nag mamahal, nagpapahalaga at nag nanais na maging maayos ang lahat.

Napaka swerte nio na kapiling ang mga mahal sa buhay o kung di man ay di naman kayo sawi sa pag-ibig ngayong pasko. Binabati ko kayong lahat ng CONGRATS!!!! MASAYA KAYO.

MERRY CHRISTMAS PO ULI SA LAHAT. PEACE ON EARTH MAY RULE.

Can ex-lovers be friends?

Posted in Uncategorized on Disyembre 7, 2009 by etchosera

Dati lagi kong sagot sa tanong na yan ay oo. Gusto ko kasi kaibigan ko ang X ko. Ngayon nahihirapan akong gawin un, bakit?

> kasi nasasaktan pa rin ako sa nangyari
> di ko pa makalimutan ang kataksilan na ginawa nia
> palaging may duda sa isip ko
> di pa ako nakaka move on.

Naranasan nio na ba na alukin ng X’s nio ng friendship? Pumayag ba kau?

Paano nman kung dumating ung time na dahil tinanggap mo ang pwendzhip kuno tpos bigla mag wewento sia ng present nia now. Anong gagawin mo?

Sa ngayon kahit andun pa rin ang kagustuhan ko na maging magkaibigan kami, di ko pa kaya. Maybe soon. Maybe di na.

Anong nararamdaman mo ngayon?

Posted in Uncategorized on Nobyembre 19, 2009 by etchosera

Sobrang lungkot ko ngayon, as in para akong isang bote na walang laman. Ewan ko ba, bigla na lang naging ganito ako.

Naranasan nio na ba ang maging ganito? Wala kang mahanap na sagot/ dahilan bakit mo bigla itong naramdaman.

ammmm baka dahil namimiss ko lang ang family ko sa Pinas. Sarap sana umuwi lalo’t mag papasko.

haiz gusto kong sumigaw sa sobrang lungkot, baka pag ginawa ko un ay mawawala itong nararamdaman ko ngayon.

Kama

Posted in Uncategorized on Nobyembre 16, 2009 by etchosera

Anong unang pumasok sa utak mo pagkabasa mo sa titulo nito? Bago pa kung anu-ano maisip nio hayaan nio muna na ikwento ko ang karanasan ko.

Kama isang bagay na kung saan ay ang sarap mamahinga. Pag pauwi ka na galing sa trabaho, eskwela o sa galaan naiisip mo kagad ang kama. Dito kasi malaya mong ilabas lahat ng emosyon mo, magbasa habang nakahiga, manood o makinig ng sounds or simply mag-emote. Dito malayang tumatakbo ang iyong imahinasyon pero dito sa lugar ko ay napakahirap ng sitwasyon.

Ang kalakaran kasi dito kung malaki ang sahod mo pwede kang umupa ng 1 bedroom flat pero sa kaso ng karamihan ay isa kang bed-spacer at isa na ako dun. Sa kakaunting kita, pinipilit na pagkasyahin para may maipadala sa pamilya sa Pinas. Umuupa ako ng 9000/ month as a bedspacer. Mura na un kasi wala pa kaming 15 sa bahay. Sa una kong bahay dito bumayad ako ng 9750/ month, anim kami sa room + may 3 pang room na ilang tao rin ang laman. Walang privacy, maingay, laging nawawalan ng tubig at may Joross (surot), my God ang daming surot. May mas mabigat pang dahilan pa bukod sa nabanggit ko, ung isang kasama nmin sa room ay may bf. Di nman ako againts sa mga may bf na isinasama sa bahay kaso labas masok sa room nmin ng walang babala. Maano ba nmang kumatok at sabihing “Hoy, papasok na ako”. Paano na lang kung nagkataon na mga nag bibihis kami. At take note, walang kurtina ang mga bed ay sus maryosep lampungan ng lampungan kahit andun kami lahat. Di bale sana kung may tabing at di maingay ang bed, haha nakikinig pala. Ang babae na sinasabi ko ay anak ng land lady nmin ay edad 17 at ang bf nia ay 37. Aminin mo tumaas ang kilay mo.

Isa lang yan sa mga karanasan ng mga OFW. Nag titiis para sa pamilya. Hindi madali ang mangupahan bukod sa mahal na gahaman pa ang mga kabayan na inaasahan mong tutulong sau.

Bed-spacein short bed mo lang ang space mo dahil sa oras na ikaw ay bumaba asa taas ka man ko sa baba sa pagtapak mo sa sahig konting hakbang lang ay ang espasyo nman para sa inuman at sugalan ng mga kasama mo sa bahay. Kailangan mong mag tiis na wala kang privacy, gusto mo ng magpahinga ng maaga dahil pagod ka sa work at maaga ka pa kinabukasan pero ang mga kasama mo sa bahay ay nagkakasayahan pa at walang pakialam khit alas tres na ng madaling araw kaya ung plano mo na maagang matulog ay nagiging umaga na dahil d ka makakatulog sa ingay ng mga bunganga nila na mga lasing na.

Mahirap dito sa ibang bansa. Mga kabayan mo pa ang tataga sau sa presyo ng upa, wala kang pagpipilian kesa sa kalye ka pulutin. Meron din nman maswerte, ung mga malalaki ang sahod at ung may mga bahay na kasama sa benefits nila as a employee ng kumpaya. Minsan solo sila sa isang room o 2 hanggang 4 lang.

Babala sa mga nais mag abroad. Dapat na desidido kayo sa desisyon na mangibang bansa dahil kung hindi ay baka di nio kayanin ang ganitong sitwasyon.

” Ang lahat ng tao ay kailangan ng space”.  Ang sarap mamaluktot lumalamig na kasi.